Thursday, February 28, 2008

Anime sa mundo ng Kabataan.. =)

Sa panahon ngayon, bukambibig ng mga kabataan ang anime. Ano nga ba ang anime? Ang anime ay isang klase ng “cartoon” na nagmula sa bansang Hapon. Ito ay nagbibigay saya sa mga kabataan sa nabanggit na bansa. Ngayon, ito ay lumalaganap sa iba’t-ibang dako ng mundo kasama na dito ang Pilipinas.

Tunay na nakakaaliw ang anime. Habang ito ay pinapalabas sa telebisyon, sumasabay ang mga “figurine” na mabibili kung saan-saan. Ilan sa mga tindahang nagtitinda nito ay ang “comic alley”, “tokyo kids”, “comic quest.” Gumaganda ang negosyo ng mga nasabing tindahan dahil sa mga kabataang nahihilig sa mga anime na gamit. Ngunit ano nga ba ang epekto nito sa buhay ng mga kabataan? Tila hindi napapansin ng mga kabataan ngayon ng unti-unti silang napupunta sa ibang lugar. Lugar na kung saan ay naiiba ang takbo ng buhay. Marami sa mga kabataan ngayon ay apektado nito. Unti-unti nilang binabalewala ang mga bagay na mas kailangang pagtuunan ng pansin katulad ng pag-aaral. Sa halip na magbuklat ng aklat ay mas pipiliin magbasa ng komics na may kinalaman sa anime o kaya naman ay manood na lamang ng anime. Sa paggawa ng nasabing bagay ay naaaksaya ang oras nila na dapat ay ginamit sa pag-aaral. Ang anime ay isa rin sa mga dahilan kung bakit may mga batang sumusuway sa mga magulang. Ang anime ay sadyang nakakaapekto sa ugali ng mga batang manonood. Maaaring iniidolo nila ang mga kontrabida kung saan ito’y magaling sa kanilang paningin. Sa pagkahanga sa karakter na ito, nakukuha nila ang ugaling naipapakita sa mga taong nakakasalamuha nila.

Ang anime, babasahin man o palabas sa telebisyon ay hindi nakakasama dahil bukod sa pampalipas ito ng oras ay nagbibigay ito ng kasiyahan. Ngunit, katulad ng madalas nating marinig, anumang sobra ay nakakasama.

~vyml~

Para saan ba ang blog na ito?

Para saan ba ang blog na ito? Ang blog na ito ay maaaring para sa mga kaklase namin at sa mga taong may interes dito. Ito ay isang 'requirement' upang makapasa sa course naming Filipino, ngunit para sa amin, ito ay higit pa roon. Amin itong kinukuha bilang opurtunidad upang pag-aralan pa ang epekto ng panonood ng anime sa mga kabataan ngayon. Pasensya na sa kalaliman ng aming tagalog, ngunit pagagaanin namin ito para maging kaaya-aya ang inyong pagbasa.

Alam naman nating lahat na may 'advantages' at 'disadvantages' ang panonood ng anime sa ating mga kabataan pero tatalakayin pa natin 'yan ng mas malalim sa mga susunod na araw.

At uulitin po namin, mula sa blog namin dati na tungkol sa PreMarital Sex,
'wag tayo makuntento sa kakapiranggot na impormasyon na meron tayo ngayon, magtuklas tayo. =)

~vyml~